Archive for April, 2008

Minsan naisip ko kalyado na ang paa ko sa kalalakad.
Sana makasalubong ko si bathala, tapos sasabihin niya kung may
pag-asa ba ako na marating yung gusto ko..
kung malapit na ba, kung kapag ba sintigas na ng buto ko
ang mga kalyo ko sa paa e isang hakbang na lang ay
tagumpay na….

Pero wag na rin pala, masaya ako sa mga sorpresa,
sa mga alikabok, bato, tinik, at balat ng saging na nadaanan ko,
sa lalim ng sugat sa pagkakadapa, sa tamis ng tubig tuwing
uhaw, sa bawat yakap at pagmamahal.
Kung malayo pa ang tagumpay, e anu naman?
Kaya ko pa maglakad, magaling na ang sugat ko, pwede
na ulit masugatan at kayang kaya kong bumangon sa sarili
kong paa kapag nakatapak ng balat ng saging o tae ng aso.

Sigurado ako pag malayo na ako, at natanaw ko yung
dinaanan ko, hubog na ng husto ang isip ko at
isang dipa na lang ang tagumpay.

Lalaya ako at magpapalaya sa wakas!

–Day Manzanilla

"Workers of the world, unite - you have nothing to lose but your chains."

- KARL MARX

lakarlota: hello po. kukunin ko na po voter’s ID ko. *waving registration slip*
comelec personnel: wala pa.
lakarlota: po? nung isang taon pa ho kasi ‘to. december po nung 2006.
comelec personnel: eh yung isa nga 2003 pa eh!
lakarlota: …
lakarlota: wala pa yung kanya?
comelec personnel: wala pa.
lakarlota: (obliged to ask) BAKIT?!
comelec personnel: hindi ko alam! magtanong ka sa main office!

"Surrender to the void!"


– Jack Nicholson (The Bucket List)